banner

Programa para sa mga Taong may Kapansanan

Written by
  • Jose Mari M. G.
  • 9 years ago

BALANGA, Bataan – Sari-saring aktibidad ang naghihintay para sa mga taong may kapansanan sa gaganaping National Disability Prevention and Rehabilitation Week sa Hulyo 17-23. Sa pulong kahapon ng Provincial Council on Disability Affairs, napagkasunduan na magsasagawa ng Orientation on photography at English Word Processing, quiz bee tungkol sa buhay ni Apolinario Mabini, song writing contest, at iba pa. Magkakaroon din ng motorcade at awarding para sa Most Outstanding Persons With Disability-Friendly Municipality. 

Article Tags:
·
Article Categories:
Social Welfare

Comments are closed.

Shares