Tara nang kumain ng brown rice!

LUNGSOD ng BALANGA, Bataan – Buo ang suporta ng mga kawani at opisyal ng Lungsod na ito sa isa sa mga programa ng Department of Agriculture, na pagkain ng masustansyang bigas na brown rice.

Ayon kay City Agriculturist Nerry Mateo, bilang pagpapakita ng suporta sa nasabing programa ng Department of Agriculture, ang ating mga kababayan ay magpapakuha ng larawan habang kumakain ng brown rice at ipopost sa alinmang social media account gaya ng Facebook, Twitter o Instagram na may nakalagay na #BROWN4good # Region-3.

Sinabi pa ni Mateo na ang bawa’t post sa nasabing account ng ating mga kababayan ay may katumbas na isang tasa na naglalaman ng brown rice na idodonate sa mga charitable institutions na nag-aaruga ng mga bata.

Sa kasalukuyan, may ibinebentang brown rice sa City Hall at may libreng patikim pa sa mga bibili.

Ito ay pa ring inisyatiba ng Pamahalaang Panlungsod sa pamumuno ni City Mayor Francis Garcia kasama sina Vice-Mayor Vianca Gozon at mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod.