NewsTourism

Tourism center, itatayo sa Bagac

0

BAGAC, Bataan – Malaking katuwaan para sa batang-batang neophyte Mayor ng bayan ng Bagac na si Gab del Rosario na makamit ang Seal of Good Local Governance mula sa Department of the Interior and Local Government (DILG) at higit pa rito ang tinanggap nilang cash incentive na P3 milyong piso na siya nila umanong gagamitin para sa pagpapatayo ng kanilang tourism center.

Sinabi pa ni Del Rosario na ang pagkapanalo nilang ito ay tila pinagtiyap sa vision ng kanilang Executive Legislative Agenda (ELA) na ECO-Tourism dahil kilala ang Bagac bilang beach capital ng lalawigan.

Ipinaliwanag din ni Mayor Gab na pagsasamahin nila ang P3M mula sa DILG at ang ibinigay sa kanilang pondo ng Bottom Up Budgetting o BUB na P2.5M para sa konstruksyon ng nasabing tourism center.

Ayon pa kay Del Rosario, dito sa nasabing center nila ipapakita ang lahat ng mga produkto ng Bagac. Ito rin ay magsisilbing information center. Palalakasin din nila ang training para sa mga tour guides, tour packages, tour packaging at iba pang activities para makaakit pa ng maraming turista sa kanilang bayan.

Kilala ang bayan ng Bagac sa kanilang naggagandahang beaches na lalo pang pinatingkad sa pagkakatayo dito ng Las Casas Filipinas de Acuzar na naglagay sa bayan ng Bagac sa mapa ng mundo matapos ganapin dito ang makasaysayang Asia Pacific Economic Summit (APEC) noong nakaraang taon.

Oplan LSS launched by Bagac LGU

Previous article

Garcia pushes for high school for the arts in Bataan

Next article

You may also like

Comments

Comments are closed.

More in News