banner

Tulong pangkabuhayan, sinimulan na sa Pilar

Written by
  • Jonie L. C.
  • 5 years ago

PILAR, Bataan – Pinangunahan nina Pilar Mayor Alice Pizarro, Municipal Social Welfare and Development Office, Officer-in-Charge, Jenny Lee Casin at ilang kawani ng TESDA at DTI ang pamamahagi ng mga Nego Kart at Industrial Sewing Machine sa 62 pamilya, na ginanap sa covered court ng Barangay Panilao ng bayang ito, kamakailan lang.

Ito ay bahagi ng Sustainable Livelihood Program (SLP) ng DSWD upang matulungan ang mga mamamayan na maiangat ang kanilang pamumuhay. Malaki ang naging partisipasyon ng pamahalaang lokal sa pag identify ng mga indigent beneficiaries habang ang iba naman ay ang mga kasapi na ng isa pang programa ng DSWD na 4Ps.

Sa ilalim ng SLP, ang mga beneficiaries ay sumailalim sa pagsasanay sa pananahi (mga kababaihan) mula sa TESDA na sya na ring nag assess sa kanilang kasanayan, habang ang mga kalalakihan ay sumailalim naman sa pagsasanay sa kaalaman sa pagnenegosyo mula sa DTI.

Nilalayon ng programa na gamit ang mga kaalaman at kasanayan, pati na ang mga sewing machine, nego kart, mga gamit at maliit na puhunan ay makapagsisimula sila ng maliit na negosyo at tuluyan na itong maging daan upang mapaunlad ang kanilang kabuhayan.

Article Tags:
·
Article Categories:
Municipalities · News

Comments are closed.

Shares