AgricultureNews

Tulong sa magsasaka, mahigit 5M na!

0

BALANGA CITY, Bataan – Umabot na sa mahigit P5 Milyon ang tulong na naipamahagi ng pamahalaan sa mga magsasaka sa ilalim ng administrasyon ni Gob. Albert Raymond Garcia sa lalawigan ng Bataan.

Ayon kay Gng. Imelda Inieto, hepe ng Office of the Provincial Agriculturist, tinatayang aabot sa P5,645,224.00 ang halaga ng mga kagamitan na naipagkaloob na sa mga magsasaka mula Enero hanggang ng Hunyo ng taong kasalukuyan.

Sinabi rin ni Gng. Inieto na napagkalooban ng combine harvester (3n1) ang Colo Farmers Irrigators sa bayan ng Dinalupihan; ang Balanga Agrarian Reform Benificiaries Multipurpose Cooperative; at Sandigan Farmers Farmers Association ng Samal.

Drum seeder naman ang natanggap ng Sapa SRI Farmers Association ng Samal; ng Magsaysay Irrigators Service Association Inc. ng Pilar at ng Tuyo Farmers Agriculture Cooperative sa Lungsod ng Balanga.

Nabigyan din ng thresher ang San Simon Farmers Association ng Dinalupihan at ang Bataan Sead Growers Multipurpose Cooperative ng Pilar.

Reaper naman ang ipinagkaloob sa Tapulao Multipurpose Cooperative ng Orani; sa Bataan Seed Growers Multipurpose Cooperative ng Pilar at Community Savers Farmers Association ng Bagac.

Ipinahayag pa ni Gng. Inieto na marami pang mga gamit pansaka ang nais na makuha at maipamahagi ni Gob. Garcia para lahat ng mga samahan ng mga magsasaka sa lalawigan upang sila ay maging mas produktibo at umangat ang kanilang kabuhayan.

Ang mga hakbang na ito ay kaugnay sa patuloy na pagsisikap ng pamahalaan na palakasin ang sektor ng mga magsasaka gayun din ang mga mangingisda.

BPSU-RDO publication office created; TWG designated

Previous article

BPSU coffee table book impresses academicians

Next article

You may also like

Comments

Comments are closed.

More in Agriculture