banner

Vice Mayor Robin Tagle, panauhin sa flag raising ceremony

Written by
  • Zeny S.
  • 3 years ago

Si Vice Mayor Robin Tagle ng bayan ng Abucay ang naging panauhing taga pagsalita sa tradisyunal na flag-raising ceremony ng Bataan Phil. National Police sa Camp Tolentino, kahapon.

Sa kanyang mensahe, sinabi ni Vice Mayor Tagle na natutuwa umano siya at nagpapasalamat sa buong kapulisan sa Bataan sa pangunguna ni Prov’l. Director Col. Villamor Tuliao dahil sa napakalaking porsiyento ang ibinababa ng problema sa droga, na ayon pa sa kanya ay tunay na kakaiba ang pagpapatupad sa programa ng katahimikan hindi lamang sa bayan ng Abucay kundi maging sa buong lalawigan dahil sa bawat barangay ay hinihimay at tinitingnan kung papaano mabibigyang solusyon ang mga hamon para talagang magkaroon ng kapayapaan at kaayusan ang buong barangay.

Sa nasabi ring programa ay binigyang parangal ang mga miyembro ng kapulisan na nagpamalas ng mahusay na pagganap sa kanilang tungkulin sa pagsugpo ng problema ng droga sa kani-kanilang bayan.

Ang mga sumusnod ang binigyan ng certificate of commendation;
PMAJ Sonia M. Alvarez ng Balanga
MPS, PCPT Gary T. Lupian ng Blanga MPS;
PSMS Aribenson Alberto ng Balanga MPS;
PSSG Joseph R. Tela ng Balanga MPS,
PSSG Oliver P. Vitug ng Balanga MPS,
PSSG Merlin Juano Brian ng Balanga MPS,
PSSG Alex Canta, Balanga MPS
PCPL Dhanielle M. Mamerga, Balanga MPS,
PSSG Rocky V. Marciano ng Abucay MPS,
PCPL Rey Joseph Tolentino, Abucay MPS,
PCPL Albert Valdez Abucay MPS,
PSSG Mike Augusto M. de Chavez Hermosa MPS,
PCPT Jose dela Cruz Mariveles MPS,
PSSG John Manalatao Orion MPS,
PCPL Keven D. Quiambao 2nd PMFC
at PCPL Clemente C. Andam ng Samal MPS.

Article Tags:
·
Article Categories:
Health · News · Peace & Order

Comments are closed.

Shares