Social Welfare

10 libong manggagawa, nagbenepisyo sa ALABmusal

0

Katuwang ang pamunuan ng FAB sa pamumuno ni Chairman Emmanuel Pineda, nagpa almusal ng libu-libong manggagawa, ang grupo ng ALAB (Alay sa Bayan) sa pamumuno ni dating Mayor, Atty. AJ Concepcion ng Mariveles.

Ayon kay dating Mayor AJ Concepcion, nakapagdaos na sila ng ilang community pantries sa iba’ibang barangay sa bayan ng Mariveles kung kaya’t naisip naman nila na magpa ALABmusal sa mga factory workers bilang pagsaludo sa kanilang sakripisyo sa pagtatrabaho kahit pa may pandemya.

Dagdag pa ni Mayor Concepcion, tatlong araw nilang isinagawa ang nasabing ALABmusal kung saan ay sinorpresa nila ang mga manggagawa ng Dong-In group of Companies, Almatech at East Cam. ng almusal na itlog, pandesal at kape na masaya at maayos nilang naisagawa sa tulong ng FAB police na umalalay sa pagpapanatili ng kaayusan at pagpapairal ng mga health protocols.

Sinabi pa ng dating mayor na marami pang isasagawang proyekto ang ALAB, para makatulong sa kanyang mga kababayan lalo pa’t panahon ng pandemya.

Tuloy ang allowance ng 500 mag-aaral

Previous article

“Magtiwala sa bakuna” – Sen. Bong Go

Next article

You may also like

Comments

Leave a reply