EducationNews

12 libong reams ng bond paper, ipinamahagi sa mga guro sa Hermosa

0

Bilang karagdagang tulong mula sa Lokal na Pamahalaan ng Hermosa, personal na ipinamahagi ni Mayor Jopet Inton ang labindalawang libong reams o pakete ng bond paper para sa mga guro sa bayan ng Hermosa.

Ayon kay Mayor Inton, layunin nitong matugunan ang pangangailangan ng mga guro at mga estudyante lalo na sa mga basic learning materials kagaya ng pag iimprenta ng self-learning modules at worksheets.

Kasama sa distribusyon sina Ginoong Ronnie Mendoza, Department of Education (DepEd Hermosa) District Supervisor, at mga school principals sa bayan ng Hermosa.

Dahil sa COVID-19 pandemic, nagsagawa ang DepEd ng alternatibong paraan para maituloy pa rin ang pag-aaral ng mga estudyante.

Ito ang tinatawag na blended learning o pag-aaral sa pamamagitan ng online class at modular learning bilang alternatibo sa face to face classroom teaching.

Gov. Abet shares Bataan’s best practices in fight against COVID-19

Previous article

Mallari bestowed Gawad Filipino “Hero of the Year” Award

Next article

You may also like

Comments

Leave a reply

More in Education