banner

14 na barangay ng Samal, humakot ng award

Written by
  • Zeny S.
  • 1 year ago

Gayun na lang ang tuwa ni Mayor Aida Macalinao sa dami ng awards na nakuha ng 14 na barangay, kung saan pito (7) dito ay perfect ang score sa parangal na ibinigay ng Pamahalaang Panlalawigan sa ilalim ng programang 1Bataan Seal of COVID-free Barangay sa pangunguna nina Gov. Abet Garcia at PHO Head, Dr. Rossana Bucahan.

Nanguna ang mga barangay Palili, East Calaguiman, East Daang Bago, Imelda, Sta Lucia, West Calaguiman at West Daang Bago dahil napanatili nila na COVID -free ang kanilang mga barangay mula noong Feb 1 hanggang March 15, 2021.
Sinabi ni Gov. Abet sa awarding ceremony na ginanap via zoom noong nakaraang linggo na ang mga nasabing parangal at insentibo ay ipinagkakaloob sa mga barangay na talagang nagsikap na mapanatiling walang kaso ng COVID at dengue sa kanilang mga barangay. Natutuwa umano siya na talagang marami nang barangay officials ang patuloy na pinangangalagaan ang kanilang pamayanan na hindi mapasok ng nakamamatay na virus.

Binigyang-diin naman ni Mayor Macalinao na kasama ang mga kawani ng Municipal Health Office sa pamumuno ni Dr. Cristina Espino, BHERTs at iba pang frontliners, na lalo pa nilang paiigtingin ang pagpapatupad ng mga health and safety protocols para patuloy na maging COVID at dengue-free ang kanilang mga barangay.

Article Tags:
·
Article Categories:
News

Leave a Reply

Shares