banner

1,487 benepisaryo ng TUPAD sa Samal

Written by
  • Zeny S.
  • 2 weeks ago

Lubos ang pasasalamat ng mga Samaleno sa suportang ibinigay nina Congresswoman Geraldine Roman ng 1st district at Congressman Joet Garcia ng 2nd district sa ilalim ng programang Tulong na Panghanapbuhay sa mga Disadvantaged o Displaced (TUPAD) workers nitong panahon ng pandemya.

Ayon kay Samal Mayor Aida Macalinao, nakapagtala umano sila ng 1, 487 benepisyaryo simula noong buwan ng Enero hanggang sa kasalukuyan sa programang TUPAD.

Natutuwang sinabi naman ng mga benepisyaryong Samaleno na patuloy silang magsusumikap lalo pa’t dama nila ang pagtulong ng mga opisyal ng bayan para sa kanilang pag-unlad.

Article Tags:
· ·
Article Categories:
News · Social Welfare

Leave a Reply

Shares