banner

165 kaban ng binhi, ipinamahagi sa mga magsasaka

Written by
  • Jonie L. C.
  • 4 years ago

LUNGSOD ng BALANGA, Bataan – Sa ikalawang pagkakataon masayang tinanggap ng apatnaput limang (45) magsasaka ang animnaput limang (65) kaban ng binhi mula sa Department of Agriculture na ipinamahagi ng tanggapan ng City Agriculturist nitong ikalawa ng Hulyo sa harap ng City Hall.
Ayon kay G. Ronie Lopez, Technician, nauna rito nagbigay na ng 100 kaban ng libreng binhi sa mga magsasaka ang City Government sa ilalim ng Department of Agriculture’s Rice Program.
Ayon kay G. Lopez, gagamitin at itatanim ang mga nasabing libreng binhi ng mga magsasaka sa kanilang sakahan ngayong panahon ng tag-ulan.
Pinangunahan ni Bb. Nerissa Mateo, City Agriculturist ang pamamahagi ng mga libreng binhi.

Photos courtesy of COB Agriculture Fb page.

Article Tags:
·
Article Categories:
Agriculture · News

Comments are closed.

Shares