Sa pangunguna ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), katuwang si Cong Gila Garcia, 448 na mga tricycle drivers at operators sa bayan ng Bagac ang tumanggap ng tig-limang libong pisong cash relief assistance na ginanap sa Brgy. Atilano.
Ayon kay Cong Gila layunin ng programang ito na makapag-abot ng tulong-pinansyal sa mga tricycle drivers at operators sa bayan ng Bagac na makatulong sa kanilang pang araw-araw na gastusin dahil na rin sa krisis dala ng giyera sa Gitnang Silangan.
Samantala, nagpasalamat ang mga trike drivers at operators kina Cong Gila at DSWD na ayon sa kanila ay malaking tulong na maitawid ang hirap na pinagdaraanan nila sa buhay.