LUNGSOD ng BALANGA, Bataan – Buo ang kumpiyansa ng GENPACT (Generating Impact) na lalago ang ilalagay nilang sangay ng kanilang kumpanya dito sa lalawigan ng Bataan na magsisimula ng operasyon sa darating taong 2016, sa StarMall sa lungsod na ito.
Sa isang press conference makaraang lagdaan ang Memorandum of Agreement, na isinagawa sa Emiliana Hall sa Lungsod na ito, sinabi ni Danilo Sebastian Reyes, Genpact Country Manager, na isa sa mga potensyal umano ng lalawigan ay ang Vision ni Governor Albert Garcia, gayundin ang kay Mayor Joet Garcia ng Balanga na nilalayong maging University Town ang nasabing Lungsod.
Isa rin sa malaking dahilan kung bakit ang GenPact ay nasa lalawigan ay ang political climate at katahimikan sa Bataan na mahalaga para mas mapalawig pa ang kanilang negosyo sa lalawigan.
Kahit marami na silang iniisip na mga innovations na gagawin dito sa bubuksang sangay sa Bataan, ang ginagawang practices sa mga sangay sa Metro Manila ay iyaaplay din dito sa Bataan, kasama na rito ang training at education tour. “I think Genpact is one of the few if not the only BPO company that has an MBA program”, dagdag pa ni Reyes.