HealthNews

1Bataan Malasakit Dialysis Assistance Center, binuksan sa Dinalupihan

0

Kasabay ng pagdiriwang ng kaarawan ni Dinalupihan Mayor Maria Angela “Gila” Garcia ay pormal na binuksan nitong Miyerkoles ng hapon ang 1Bataan Malasakit Dialysis Assistance Center.

Dinaluhan ang pasinaya nina Bataan Governor Abet Garcia, Vice Gov. Cris Garcia, PHO and MHO chiefs, health officials, medical frontliners, and Bataan Capitol executives.

Ang naturang tanggapan ay magiging sentro o magsisilbing one-stop shop para sa mga mahihirap na residente na nangangailangan ng tulong medikal at pinansiyal lalo na ang mga nagda-dialysis at iba pang major sickness o diseases na kadalasan ay inihihingi ng tulong sa mga lokal na pamahalaan.

Ito ay bukas hindi lamang sa mga taga Dinalupihan kundi maging sa taga ibang bayan ng Bataan at matatagpuan malapit sa Dinalupihan District Hospital.
Nakatakda ring buksan ang kahalintulad na pasilidad sa bayan ng Mariveles para naman sa mga taga Mariveles mga taga Ikalawang Distrito na malapit sa naturang bayan.

Iskolar ng Bataan beneficiaries get allowance

Previous article

Mayor Gila continuously serves Dinalupihe├▒os on her birthday

Next article

You may also like

Comments

Leave a reply

More in Health