COVID-19 News

1Bataan Seal of Covid-Free Barangay, nakamit ng 4 na barangay sa Mariveles

0

Isa ang barangay ng San Carlos sa apat (4) na barangay sa bayan ng Mariveles na nakatanggap ng pagkilala mula sa Pamahalaang Panlalawigan sa pamumuno ni Gov Abet Garcia ng, ” 1Bataan Seal of Covid-Free Barangay” matapos makapagtala ng 20% reduction sa mga naging kaso ng COVID-19 sa kani kanilang mga barangay simula Sept. 1- 15 kumpara sa 15 araw mula Agosto 16-31, 2020.

Ang iba pang mga barangay na nagkamit ng P25, 000. cash incentive at katibayan ng pagkilala mula sa Pamahalaang Panlalawigan ay ang Balong Anito, Sisiman at Biaan.
Ayon kay Punong Barangay Ivan Ricafrente bumaba umano ang kanilang COVID cases mula 27 sa 4 na lang na aktibong kaso sa pagsasagawa ng proactive lockdown, kung saan ay nirequest nila na i-lockdown ang isang street sa kanilang barangay kung saan nandon ang concentration ng kaso, sa ganon, ayon pa kay PB Ricafrente, ay nakontrol ang paggalaw ng mga tao at hindi na nagkahawa-hawa pa.

Nagpatupad din umano sila ng Barangay Ordinance no. 59, “better normal and quality life for all, kung saan ay nakapaglatag umano sila ng recovery measures para maibangon ang kabuhayan ng kanilang mga kabarangay sa kabila ng pandemya.

Sinabi pa ni PB Ivan na epektibo umano ang strong coordination sa iba’t ibang level ng local government units kung kaya’t nagiging mabilis ang pagbibigay suporta at ayuda sa mga barangay, lalo na sa ipinatatapos nilang quarantine at isolation facility na pati AFAB ay tutulong din umano sa kanila.

Mataas na grado nakamit ng Samal LGU sa “patient satisfaction survey”

Previous article

SB Mariveles gives financial assistance to sick child

Next article

You may also like

Comments

Leave a reply