Tagisan ng talento ng mga nanay sa Mother’s Day
BALANGA CITY, Bataan – Magtatagisan ng talento ang lahat ng mga nanay na empleyado ng Balanga City Hall bilang bahagi ng pagdiriwang ng Mother’s Day at pagpupugay sa mga working mothers ng Lungsod.
May temang “Haplos, Pagkilala sa mga World-class na Moms,” sinabi ni Cristina Apostol, pinuno ng City Human Resource Management Office (CHRMO), na isasagawa nila ang pagdiriwang ng Mother’s Day sa Mayo 16 sa Emiliana Hall dito sa lungsod sa ganap na ala una hanggang alas singko ng hapon kung saan kabilang sa kanilang inimbitahan si Bataan Gov. Albert Garcia para personal na batiin ang mga kalahok sa naturang talent showcase at magbigay inspirasyon sa mga nanay.













