BALANGA CITY, Bataan – Ginanap ngayong Lunes, ika-28 ng Hulyo ang earthquake at fire drills sa main campus ng Bataan Peninsula State University (BPSU) sa Lungsod na ito.
Nilahukan ng mga guro, kawani at estudyante ng pinakamalaking unibersidad sa Bataan, ang pagsasanay ay pinangunahan ng Provincial Disaster and Risk Reduction Management Council (PDRRMC) sa ilalim ni Gng. Tess Senora. Tumulong din sa nasabing pagsasanay ang Philippine National Police (PNP), Bureau of Fire Protection (BFP), Bataan Rescue at iba pang mga ahensya ng pamahalaan.