“Ito’y bilang paghahanda sa mga kalamidad tulad ng lindol at sunog alinsunod sa tagubilin ng
National Disaster and Risk Reduction Management Council at Bataan Gov. Albert Raymond
Garcia,” sabi ni Senora.
Ayon kay Dr. Delfin Magpantay, BPSU President, gagawin nila ang ganitong pagsasanay kung maaari quarterly upang masanay at mapaghandaan ang ganitong sitwasyon hindi lamang sa main campus kundi sa iba pang campuses ng BPSU sa Dinalupihan, Orani, Abucay at sa dating Bataan Community College sa Balanga City.
Nagkaroon ng pagsasanay sa mga sumusunod: paano ang paglabas sa mga gusali papunta sa mga itinakdang evacuation area, pagbibigay ng paunang lunas sa mga nasugatan, pagliligtas sa mga na-trap sa gusali at paano ang dapat gawin kapag nakulong sa nasusunog at umaapoy na silid.
Sinabi din ni Senora na patuloy na gagawin ang pagsasanay sa iba pang mga paaralan at establisimento sa lalawigan.