Inaanyayahan ng “Our Lady of the Pillar Parish“, bayan ng Pilar ang lahat na makiisa at saksihan ang gaganaping 2nd Grand Marian Procession, bilang dakilang pagpupugay sa Mahal na Patron, Birhen ng Pilar, sa ika-8 ng Disyembre, ika-4 ng hapon matapos ang banal na misa.
Ayon kay Mayor Charlie Pizarro, kasabay ng pagdiriwang ng kapistahan ng kalinis-linisang paglilihi sa Mahal na Birheng Maria, ito rin ay pagtitipon ng mga imahen ng mahal na Birhen mula sa iba’t ibang komunidad bilang tanda nang matibay na debosyon sa ating “Ina”.
Kung kaya’t inanyayahan ang lahat, dagdag pa ni Mayor Charlie, na makibahagi sa dakilang pagpapahayag ng pananampalataya, pagkakaisa at tradisyon, na sama-sama nating itaas ang ating mga puso sa pagpupuri at pasasalamat sa Diyos sa pamamagitan ng Mahal na Birheng Maria, ating Ina.