banner

30 mag-aaral ng Samal district, nagwagi sa Palarong Pampaaralan 2019

Written by
  • Zeny S.
  • 2 years ago

Tatlumpong mag aaral ng elemetarya at sekundarya ang nagbigay kortesiya kay Mayor Aida Macalinao para magpasalamat at ipagmalaki ang kanilang nakamit na tagumpay sa katatapos na Palarong Pampaaralan 2019.

Sa 30 mag aaaral, 12 ay mula sa Calaguiman ES, Samal North ES at Palili na nakakuha ng silver medals para sa larong basketball, sampung estudyante naman mula sa Samal North ES at SNHS main ang nakakuha ng 4 na gold, 2 silver at 4 na bronze para sa larong lawn tennis, samantalang 5 mag aaral mula pa rin sa SNHS main/annex, Gugo ES at Adamson ES ang nagwagi ng 4 na silver at 2 bronze.

Sa kanyang mensahe, sinabi ni Mayor Macalinao na natutuwa siya sa tagumpay na nakamit ng mga mag aaral at bilang pasasalamat maging sa kanilang mga guro, sinabi nitong susuportahan niya ang kanilang sports activities at ngayon pa lang ay isasaayos na ang pondong gagamitin nila sa susunod na taon.

Hindi lamang sports activities ang isusulong niya ayon kay Mayor Macalinao kundi maging ang kalusugan ng mga mag aaral, nais nya rin umanong magkaroon ng gulayan, isda at manukan kung kinakailangan sa paaralan para makadagdag sa pagkain ng mga estudyante.

Higit na mahalaga ayon pa kay Mayor Aida ay ang magkaroon ng pag alalay sa moralidad ng mga kabataaang ito, na aniya pa ay magkaroon ng oras sa paaralan kahit 30 minutes once a week para makarinig ng mga salita ng Diyos nang sa gayun ay manumbalik ang respeto nila sa mga nakatatanda, sa mga guro at magandang relasyon sa kapuwa mag-aaral.

Article Tags:
·
Article Categories:
Education · News · Sports

Comments are closed.

Shares