News

50 reformists, nangako ng tunay na pagbabago

0

DINALUPIHAN, Bataan – “…kung ano ang pinapayagan nating mangyari, iyon ang mangyayari,” ito ang naging tema sa programa ng pagtatapos ng 50 surrenderers sa Bahay Pagbabago ng bayang ito.

Sinabi ni P/Chief Ricardo Santiago na, “how good and how pleasant it is to be one and united,” ito aniya ang pinapayagan nating mangyari sa ngayon sa pagtatapos na ito, ang pagkakaisa at pagtutulungan.

Idinagdag pa ni Santiago na, “every day is a gift, that’s why it is the present,” na ang gift na ito ng Diyos sa atin ay “the power in ourselves,” na kapag talagang isinapuso natin ang pagbabago, iyon talaga ang mangyayari.

Ito rin ang naging testimonya ng ilang reformists, na emosyonal na nagpahayag, na noong sila’y lulong sa bisyo, di nila mapigilan ang kanilang mga sarili at hindi naniniwala na may magbabago pa sa kanilang buhay. Subalit nang sumailalim umano sila sa rehabilitasyon, doon nila naramdaman ang pagmamahal ng Diyos, ng kanilang pamilya at disiplina sa kanilang sarili.

Samantalang ang isa pa ay nagsabing simula umano nang ma-involve siya sa ilegal na droga hanggang sa mapasok sa Bahay Pagbabago, hindi na siya kinausap ng kaniyang ama, kaya’t gayon na lang ang emosyon nito nang dumalo sa graduation ang kaniyang ama at niyakap ang magulang.

Ang ikatlong repormista na nagbigay ng kanyang testimonya, ay hinihikayat ang kaniyang mga kasama na iwan na ang “bulok na sistema” at magsimula sa magandang natutunan nila sa isang buwang proseso ng pagbabago. Ayon pa sa kanya, sa pagpasok pa lang sa Bahay Pagbabago, may regalo na ng panibagong buhay dahil kung ikaw ay makikipag-engkwentro sa mga pulis, takot para sa iyong buhay ang iyong mararamdaman, samantalang sa “encounter with God” tiyak na mabibigyan ka ng panibagong pag-asa.

Pinangunahan ni Dinalupihan Mayor Gila Garcia, PNP Director Benjie Silo, P/Chief Ricardo Santiago at mga kinatawan ng iba’t ibang sektor ang nasabing pagtatapos.

Rep.Garcia eyes government arsenal as Bataan Defense Economic Zone

Previous article

A truthful thought…

Next article

You may also like

Comments

Comments are closed.

More in News