News

713 senior citizens ng Hermosa, binigyan ng cash assistance

0

Umabot sa mahigit pitong daang senior citizens sa bayan ng Hermosa ang nakinabang sa isinagawang pamamahagi ng cash assistance nitong nakalipas na Linggo.
Personal na pinangasiwaan ni Hermosa Mayor Jopet Inton, kasama si OSCA Head ng Hermosa na si Arturo Sangalang, ang pamamahagi ng cash assistance para sa 713 benepisyaryo na pawang mga senior citizens.

Ginanap ang pamamahagi ng ayudang pinansiyal sa ibat-ibang covered courts sa mga barangay ng Hermosa. Bawat isang benepisyaryong nakatatanda o senior ay nakatanggap ng P3,000.
“Ito po ay bahagi ng programa ng DSWD sa pakikipagtulungan ng lokal na pamahalaan ng Hermosa na kahit maliit lamang na halaga ay makatulong sa ating mga kababayang senior lalo na ngayong pandemya,” wika ni Mayor Inton.
Tiniyak din sa naganap na distribusyon ng ayuda na nasunod ang tamang health protocols para masiguro ang kaligtasan ng mga senior citizens.

Mga lokal na opisyal sa Bataan nakiisa sa ika-123 taong Araw ng Kalayaan

Previous article

VACCINATION SITES SA BATAAN, 17 NA

Next article

You may also like

Comments

Leave a reply

More in News