banner

96 na exhibitors lumahok sa Diskwento Caravan

Written by
  • Zeny S.
  • 2 years ago

Siyamnaput anim na kompanya ang lumahok sa “Noche Buena Diskwento Caravan” sa bayan ng Dinalupihan na sinimulan sa isang simpleng ribbon-cutting ceremony sa pangunguna nina Mayor Gila Garcia at Department of Trade and Industry (DTI) Provincial Director Nelin Cabahug.

Sa kanyang mensahe, sinabi ni Mayor Gila Garcia na natutuwa siya na sa bayan ng Dinalupihan ginanap ang Diskwento Caravan, na malaki umanong tulong sa kanyang mga kababayan na makabili ng mga kinakailangan nilang produkto sa darating na Kapaskuhan sa murang halaga.

Pinasalamatan din niya ang DTI dahil natutulungan nito ang bayan ng Dinalupihan na matupad ang kanilang Vision na maging “modelong Agropolis”, sa pamamagitan ng pagtulong sa mga magsasaka na mailuwas ang kanilang mga sariwang gulay, prutas, bigas at iba pa, sa Quezon City Memorial Circle tuwing Sabado at Linggo sa tulong ni Mayor joy Belmonte. Dito ay natututo ang mga magsasaka sa komersyo at pagbebenta sa lungsod.

Samantala sinabi naman ni Prov’l Director Nelin Cabahug na maraming bayan ang nagre request na maidaos ang Diskwento Caravan sa kanilang bayan subali’t naunang magrequest si Mayor Gila na itapat ito sa panahon ng Kapaskuhan.

Lumabis pa sa inaasahang bilang ng mga kompanya ang lumahok sa caravan, na galing pa sa mga lalawigan gaya ng Pampanga, Bulacan, Nueva Ecija, Lungsod ng Marikina, bukod pa sa 20 exhibitors mula sa bayan ng Dinalupihan, na may mga produktong gaya ng sapatos, damit, pagkain, bags at iba pa.

Article Tags:
·
Article Categories:
Business · News

Comments are closed.

Shares