LUNGSOD ng BALANGA, Bataan – Ang Programang Go Organic, Go Sustansiya ng City Agriculture Office sa pamumuno ni dating City Mayor Joet Garcia na ngayon ay 2nd District Congressman ay patuloy pa rin sa ilalim ng pamumuno ng bagong halal na City Mayor Francis Garcia.
Ayon kay Nerissa Mateo, City Agriculturist, nasa ikatlong taon na sila sa pagsasagawa ng proyektong Butil ng Kaalaman para sa mga kabataang mag-aaral sa elementarya.
Sinabi ni Elias Almerol, isa sa mga kawani ng Lungsod, sa mga mag-aaral na mas makabubuti na maaga pa lamang ay malaman na ng mga kabataan kung papaano ang pagtatanim, kung papaano ang paggawa ng mga organic fertilizer at iba pang mga gawaing pang-agrikultura.
Kasama ang mga Barangay Captain at staff ng City Agriculture Office sa mga nagtataguyod sa nasabing programang pangkalusugan ng Pamahalaang Panlungsod.