Proyektong pambarangay, tutugunan!

PILAR, Bataan – Tutugunan ng mga opisyal ng Pamaalaang Bayan ang mga proyekto at programang inihain ng labing-siyam (19) na Punong Barangay sa bayang ito.

 

Ito ang ipinahayag ni Pilar Mayor Alice Pizarro noong ika-5 ng Agosto kung saan ang bawa’t Punong Barangay ay nagsumite ng kani-kanilang priority project sa harap ni 2nd District Congressman Jose “Joet” Enrique Garcia lll.

 

Ilan sa mga malalaking programa ay ang pagtatayo ng Water System, farm to market road, pagkukumpuni ng dike, pagpapatayo ng Health Center.

 

Sinabi din ni Mayor Pizarro na hindi man makayang matugunan ng Pamahalaang Bayan ang mga malalaking proyekto ay mayroon siyang malalapitan para mabigyan ng solusyon ang mga  ito.

 

Samantala, binigyan din ng pag-asa ni Congressman Joet Garcia ang mga Kapitan sa pangakong susuportahan  nito ang mga proyekto na hindi kakayaning ipagawa ng Pamahalaang Bayan ng Pilar, na malugod namang pinasalamatan ng mga lider ng barangay.