Sanitary land fill, itatayo sa Abucay

ABUCAY, Bataan – Upang pangalagaan ang kalusugan ng mga mamamayan at ang kapaligiran, ang pamahalaang bayan ng Abucay ay bumili  ng mahigit sa siyam (9) na ektaryang lupa upang pagtayuan ng isang makabagong sanitary land fill sa Barangay Capitangan ng bayang ito.

Ito ay ayon kay Engr. Ernesto Vargara, Municipal Planning Development Coordinator/Zoning Administrator/Municipal Administrator.

 

Kaugnay nito, namili na rin ang pamahalaang lokal ng anim na dump truck, loader, back hoe at grader na gagamitin sa operasyon ng nasabing land fill. Naglaan na rin ng inisyal na pondo na halagang P10 milyon si Mayor Liberato Santiago para dito.