LUNGSOD ng BALANGA, Bataan – Inatasan ni Bataan Provincial Police Director Sr. Supt. Benjamin Silo Jr. ang mga hepe sa labing-isang bayan at isang Lungsod na magmatyag sa kani-kanilang nasasakupan kaugnay sa pagdedeklara ni Pangulong Rodrigo Duterte ng State of Lawlessness sa ating bansa.
Sa isang panayam sinabi ni Provincial Police Information Officer P/Sr. Insp. Jennifer Cruz na sa pulong na isinagawa ni Provincial Director Silo sa mga hepe ng bawa’t bayan noong isang linggo inatasan nya na bantayan ang Port sa Mariveles, ang Free Port Area of Bataan sa Mariveles, mga kompanya sa Hermosa, at mga malls na nag-ooperate sa lalawigan.
Idinagdag pa ni Cruz na kailangan ding tumulong ang mga mamamayan sa pagmamatyag sa mga taong may mga kahina-hinalang kilos at kung ang mga ito ay mag-iwan ng ano mang gamit tulad ng bag ay agad na ipaalam sa mga otoridad na malapit sa kanilang lugar.