Mga natatanging Mariveleños, pinarangalan

LUNGSOD ng BALANGA, Bataan – Sa kauna unahang pagkakataon sa termino ni Mayor Ace Jello Concepcion ay pinarangalan ang mga natatanging Mariveleños na gumugol ng napakaraming taon ng mahusay na paglilingkod sa mga mamamayan at nagdala ng karangalan para sa bayan ng Mariveles.
Sa isang pormal na pagtitipon , “Gawad Parangal sa mga Natatanging Mariveleños” ay binigyan ng pagpapahalaga, plake at cash bilang Outstanding Mariveleños sina Gng. Marjorie Palomo, Gng. Jane Manansala, Gng. Elizabeth Paglinawan at G. Ireneo Barlis sa pagpapakita ng dedikasyon sa
kani-kanilang larangan, nakatulong sa maraming mga kababayan at nagdala ng karangalan sa bayan ng Mariveles.
Binigyan din ng parangal ang mga barangay officials na nakaabot at magtatapos ng ikatlong termino na sina Punong Barangay, Arvin Zurita ng Bgy San Carlos; Toto Espanola ng Bgy. Alion at Max Barcena ng Bgy. Sisiman.
Sa kanyang mensahe sinabi ni Mayor Ace Jello Concepcion na sa ika -74 na pagdiriwang ng Liberation Day at Kapistahan ng Mariveles ay marapat lang umano na kilalanin at bigyan ng parangal ang mga natatanging anak ng Mariveles na maipagmamalaki at nakapagdala ng karangalan para sa bayan ng Mariveles.
Natutuwa umano siya, dagdag pa ni Mayor concepcion na bibigyan din ng parangal ang mga punong barangay dahil isa ito sa pinakamahirap na trabaho na nagbibigay serbisyo sa mga mamamayan, ika nga, sila ang mga front liners ng pamahalaan sa serbisyo publiko.
Bukod sa mga outstanding Mariveleños, ay binigyan din ng plake ang mga semi-finalists sa 2019 search na sina Gng. Luciana V. Mina ng Brgy. Batangas II, G. Charles Ramones ng Baseco Country, Gng. Benilda Victorio ng Brgy. Malaya, G. Cesar Obispado at Gng Felomina Obispado ng Brgy. Maligaya, Gng. Regenita Regios ng Brgy. Poblacion, Gng.Thelma Escalada at G. Pocholo Gonzales ng Brgy. San Carlos, Gng. Petra Rubia ng Brgy. San Isidro,
Gng. Ederminda dela Cruz at Nestor Malate ng Brgy. Camaya, Milagros
Macaraig ng MWCM Coop, PInsp Jose dela ng PNP Mariveles at Gng.
Emily Anit at G. Tsimson Torres ng Brgy. Biaan.