BALANGA CITY WAGI SA 2018 NATIONAL MANILA BAYani

LUNGSOD ng BALANGA, Bataan – Nagwagi ang Lungsod ng Balanga bilang pinakamagaling sa buong Pilipinas sa City Category dahil nasungkit nito ang 2018 National Manila BAYAni Awards ngayong taon.
Ang Lungsod ay nakakuha ng pinakamataas na grado na iginawad ng Environment Compliance Audit (ECA) na isinagawa ng Department of the Interior and Local Government (DILG) katuwang ang National Inter-Agency Committee.
Ayon kay City Environment and Natural Resources Officer at City Agriculturist Ms. Nerissa Mateo, masigasig ang kanilang ahensya sa pagpapalaganap hindi lang sa kalinisan ng komunidad maging sa pagpapalinis ng mga kailugan sa mga lugar na sakop ng Lungsod.
Sinabi pa ni Ms. Mateo, dahil nga Regional Winner ang Lungsod ay nakatanggap ang Lungsod ng halagang P200,000.00 na gagamitin naman sa iba pang environmental projects kasunod ang P1 Milyon na matatanggap naman sa darating na Hunyo 2019.
Ang Manila BAYAni Award ng Balanga City ay ibinase sa resulta na nakalap ng Environment Compliance Audit hinggil sa pagpapatupad ng Republic Act. 9003 na mas kilala bilang Ecological Solid Waste Management Act of 2000.