LUNGSOD ng BALANGA, Bataan – Ito ang buod ng magandang mensahe ni Vice Mayor Renato Matawaran sa 65 pares na ikinasal ni Mayor Gila Garcia kahapon sa “kasalang bayan” na ginanap sa Bulwagan ng Bayan ng Dinalupihan.
Sinabi naman ni Mayor Gila Garcia na hindi magiging maunlad ang kanilang bayan kung sa pamilya pa lamang ay watak-watak na ang buhay; na ang pagsisimula umano ng maayos na pamilya ay nasa pundasyon ng kasal dahil mula dito ay ipinaplano ng mag-asawa ang pagbuo ng maayos na pamilya
at magandang kinabukasan ng kanilang mga anak.
Ang programang kasalang bayan ay taun-taong ginagawa ng administrasyon ni Mayor Gila upang ang lahat ng mga nagsasamang mag asawa ay maging legal lalo na para sa kanilang mga anak at ito ay isinasaayos ng mga
tanggapan ng Municipal Social Welfare at ng Local Civil Registrar (LCR) ng bayan ng Dinalupihan.
Ang 65 pares mula sa iba’t ibang barangay ay marangyang ikinasal, kumpleto sa seremonyas hanggang sa reception na walang ginastos ang mga ikinasal dahil ito ay tinustusan ng lokal na pamahalaan ng Dinalupihan para sa kapakinabangan ng mga mamamayan.
Base sa tala ng LCR, ang pinakamatandangikinasal ay sina Veronica Andaya, 62 taong gulang at Ronaldo Reyes, 72 taong gulang, nagsasama na nang mahigit sa 32 taon at may limang anak.