Ecozone sa bawat bayan ng Bataan

LUNGSOD ng BALANGA, Bataan- Magkakroon ng economic zone sa bawat bayan ng Bataan.
Ito ang pahayag ni Congressman Jose Enrique Garcia III matapos na manumpa kay Bataan Regional Trial Court Executive Judge Jacqueline Poblete.
Sinabi ni Cong. Garcia na naghain na siya ng isang panukala sa Kongreso na naglalayong magtayo ng ecozone sa bawat bayan ng Bataan.
“Pipirmahan na lang ni Pangulong Duterte ang panukala at kung ito ay matutuloy malaking bagay ito para sa ating mga kababayan para magkaroon ng hanapbuhay,’’ pahayag ng kongresista.
Sinabi pa ni Cong. Garcia na “dapat samantalahin natin ang mga benepisyo sa ilalim ng health, education at livelihood programs.