Pagsasanay ng mga magsasaka, matagumpay na idinaos

LUNSOD ng BALANGA, Bataan – Nasa 47 mango, mushroom at palay growers ang nakilahok sa dalawang araw na ‘’Tourism Enterpreurship: A Training Workshop on Simplified Accounting and Agriprenuership’’ na ibinigay ng Bataan Peninsula State University BPSU Abucay Campus na ginanap sa Silver Room, Crown Royale Hotel noong ika-4 at 5 ng Hulyo.
Ayon kay Bb. Maria Fe V. Roman, Ed.D, Campus Director, BPSU Main Peninsula State University, ang BPSU ay patuloy na nag-aaral at naghahanap ng mga sulusyon at makabagong pamamaraan sa teknolohiya para ipalaganap sa mga taong nangangailangan.
Sinabi naman ni Mr. Hemogenes M. Paguia,Ph.D., Vice President, Research, Extension and Training Services, bilang isang magsasaka kailangan din mapag-aralan nila ang magtala na kanilang mga gastusin at kita sa bukid para nalalaman nila kung sila ba ay kumikita sa bukid, dahil nais ng pamantasan na ipagpatuloy nila at higitan pa ang kanilang masaganang ani sa ibinibigay nilang mga training, seminar iba pang tulong.
Itinuro naman nina Bb. Leslie R. Jorge at Bb. Juliet Allegra A. Blanas, kung paano ang isang bukid ay papalawigin pa sa pamamagitan ng mga dagdag na estraktura tulad ng paglalagay ng swimming pool, fish pond, piggery taniman ng gulay para sa maliit na tourist spot nang sa ganoon ay may kita na sa bukid may kita pa rin sa entrance fee at mga produkto na mabibili sa loob.
Samantala ibinahagi naman ni Bb. Olivia Ann S. Siccion ang simpleng acounting sa mga magsasaka, kung paano itatala ang kanilang gastos nalalaman umano ang pasok at labas ng kanilang pera.