Mga empleyado ng lungsod, hindi na gagamit ng plastik

LUNGSOD ng BALANGA, Bataan – Isang memorandum order ang ibinaba ni City Mayor Francis Garcia sa lahat ng hepe ng departamento ng pamahalaang panlungsod na naglalayong iwasan ang paggamit ng lahat ng uri ng plastik sa sa loob ng tanggapan sa tuwing kakain ng meryenda o pananghalian.
Ayon sa Memorandum Order No. 10-10 series of 2018, ang di paggamit ng mga plastik ay malaki ang maitutulong upang mabawasan ang polusyon na nakasasama sa kalikasan at isang paraan ay iwasan na ang pagdadala ng mga plastic water bottles, coffe cup lids, eating utensils at iba pang uri ng plastik na supply sa loob ng opisina.
Kaugnay nito pinakiusapan din ni Mayor Francis ang lahat ng kawani at mga department heads na sa halip na plastik ay magdala na lang ang mga empleyado ng mga babasagin na kagamitan tulad ng plato, tasa, baso, at baunang stainless, pati na rin kutsara at tinidor..
Sa ganitong pamamaraan ay maiwasan ang plastik polyusyon sa tubig, manunumbalik ang pagdami ng marine life, hindi na makakaapekto sa kalusugan ng mamamayan at maipakikita ang pagmamalasakit sa kalikasan, pahayag pa ng Punong Panglungsod.
Inaasahan ng City Mayor na tatalima ang lahat sa nasabing Memorandum Orderna at laging isaisip na recycling waste material is better than landfilling them, but the best option is to not generate waste at all”.