Kagamitang pambukid, ipinamahagi

Pinangunahan ni Vice-Mayor Vianca Venzon Gozon ang pamamahagi ng mga water pumps, parmal, mga buto ng gulay, buto ng mais at mga makinaryang gamit sa bukid kaninang umaga July 15, 2019 sa covered court ng Doña Francisca Subdivision, Lungsod ng Balanga.

Ang pamamahagi ng mga nasabing kagamitang pambukid ay isinabay sa programang Barangayan Week ng Lungsod.
Ayon kay Vice-Mayor Gozon ang mga kagamitang pambukid ay malaking tulong sa mga magsasaka lalo na at nalalapit na naman ang anihan.
Sinabi naman ni Bb. Nerissa Mateo, CENRO at Balanga City Agriculturist na umabot sa halagang 4.9 milyong ang mga kagamitang naipamahagi sa grupo ng magsasaka at ilang mangingisdang nakatira sa Lungsod.