Samal Tourism Council itinatag!

Sa kauna unahang pagkakataon ay naganap ang malayang pagpili ng pamunuan na siyang magsusulong ng mga programa ng turismo sa bayan ng Samal.

Sa layuning magkaroon ng pamunuan na siyang babalangkas at magtataguyod ng mga makabuluhang programa sa iba’t ibang pagdiriwang na may kinalaman sa turismo, ay pumili ang mga miyembro ng mga opisyales na siyang magiging lehitimong samahan na mangangasiwa sa mga programa na naka angkla sa Prov’l Tourism Council partikular na ngayong buwan ng Setyembre bilang Tourism Month.

Sa inisyatibo ni Mayor Aida Macalinao, nahalal sina Genel Liwanag Llanes bilang Tourism Officer, at konsehala Kathrina Antonio Saldana bilang bagong chairperson ng Samal Tourism council, si Ms, Mamalee Espino at ibang pang opisyales.

Matapos ang paghalal ng mga opisyales ay pinagtibay ito sa isang simpleng oathtaking ceremony sa pangunguna ni Mayor Aida Macalinao para sa opisyal na pagsisimula ng tungkulin ng mga officers.

Masayang binati ni Mayor Macalinao ang lahat ng mga opisyales at sinabing inaasahan niya na higit pang magiging maunlad at masigla ang turismo sa bayan ng Samal.