Paghawi sa telon ng The Bunker marker

Pinangunahan nina Presidente Rodrigo Duterte at Gobernador Abet Garcia ang paghawi sa telon ng marker ng gusali, kahapon, ika-12 ng Setyembre, bago pasimulan ang inagurasyon ng Bataan Government Center at Business Hub “The Bunker”

Sa mensahe ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte kinakailangan umanong hindi mabahiran ng korapsyon ang lahat ng mga opisyal na manunukungkulan at maglilingkod sa kanilang mga kababayan.

Ipinahayag pa ng Pangulo na maigting pa rin ang kampanya ng kanyang administrasyon laban sa ipinagbabawal na gamot o droga.
Tiniyak naman ni Bataan Governor Albert S. Garcia na mas lalo pa nilang paiigtingin kasama ang kanyang Bise-Gobernador at Sangguniang Panlalawigan Members ang mahusay na paglilingkod sa kanilang mamamayan.

Kaugnay nito pinasalamatan ng mga opisyal ng Pamahalaang Panlalawigan ang pagdalo ng Pangulo sa naturang okasyon.