Lungsod ng Balanga, pangwalo sa may pinakamataas na koleksyon sa bansa

Natuwa si Balanga City Treasurer Angelito Evangelista nang igawad ng Department of Finance- Bureau of Local Government Finance sa Lungsod ng Balanga ang karangalan bilang pang walong Lungsod na may mataas na koleksyon sa buong Pilipinas.

Ayon sa ingat-yaman ng lungsod, hindi niya sukat akalain na mahihirang sila na pang walo (8) Lungsod mula sa 145 ungsod sa buong Pilipinas dahil napakaliit ng Balanga kumpara sa iba.

“Malaki ang naiambag ng ating mga nanunungkulan sa Pamahalaang Panlalawigan na pinamumunuan nina Governor Albert Garcia, 2nd District Congressman Joet Garcia lalong lalo na ang aming butihing City Mayor Francis Garcia dahil sa pagpasok ng mga malalaking investor sa Lungsod” ani pa ni Evangelista.
Pinasalamatan din ni Evangelista ang Department of Finance na nagbigay sa kanila ng pagkilala.