Malawakang zumba, ginanap sa Pilar

Anim na kilometro mula sa plaza ng bayan ng Pilar hanggang sa JG Linao Avenue balikan ang masayang binagtas ng may mahigit kumulang na tatlong libong katao mula sa iba’t ibang sektor ng lipunan ang lumahok sa Hataw Bataan, Takbo Pilar, na adbokasiya ni Congressman Joet Garcia ng pangalawang distrito ng lalawigan para magkaroon ng healthy lifestyle ang mga mamamayan.

Hindi natapos sa mainit na takbuhan ang programa kundi lalo pa silang pinainit sa matindi at malawakang zumba dance na pinangunahan ng mga showbiz personalities na sina EB Babe Hopia, PBB housemate Saicy Aguila at ang tanyag na sexbomb dancer na si Jopay Paguia.

Ayon kay Mayor Charlie Pizarro ng bayan ng Pilar, ang konsepto ng programa ay galing kay Congressman Joet Garcia na layuning higit pang maunawaan ng mga mamamayan ang Tobacco-Free Generation o TFG campaign para magkaroon ng malusog na buhay ang mga mamamayan para sa isang malusog na bayan.

Ito ay sinuportahan ng mga SK Chairmen ng Pilar na nag pledge ng support
gayundin ang pasasalamat kay Cong Joet sa programang Tobacco-Free Generation, na ayon pa sa kanila ay malaking tulong sa susunod na henerasyon para sa isang malusog na kinabukasan.
Hndi lamang nag enjoy ang mga lumahok na kabataan at katandaan sa nasabing hataw kundi nalunod din sila sa dami ng raffle prizes na ipinamigay ng sponsor na Globe Telecom.