COVID-UPDATE: SEPTEMBER 15, 2020

COVID-19 UPDATE: Sa huling ulat ng PHO kahapon, ika-15 ng Setyembre, umabot na po sa 1,786 ang bilang ng mga nagpositibo sa COVID-19 sa ating Lalawigan, labing tatlo (13) ang mga bagong nakarecover at 187 ang nagnegatibo ang resulta ng test.

Lumabas sa contact tracing na siyam (9) sa mga confirmed cases ay close contacts ng mga nauna nang nagpositibo sa COVID-19.
1. Isang 70 taong gulang na lalaki mula sa Abucay
2. Isang 33 taong gulang na babae mula sa Orion
3. Isang 28 taong gulang na babae mula sa Orion
4. Isang 72 taong gulang na babae mula sa Orion
5. Isang 11 taong gulang na lalaki mula sa Pilar
6. Isang 16 na taong gulang na lalaki mula sa Pilar
7. Isang 4 na taong gulang na lalaki mula sa Pilar
8. Isang 3 taong gulang na lalaki mula sa Pilar
9. Isang 19 na taong gulang na babae mula sa Lungsod ng Balanga

Siyam (9) sa mga nagpositibo ay mga in-patients sa ospital sa ating Lalawigan:
10. Isang 61 taong gulang na lalaki mula sa Mariveles
11. Isang 35 taong gulang na lalaki mula sa Mariveles
12. Isang 41 taong gulang na babae mula sa Mariveles
13. Isang 47 taong gulang na lalaki mula sa Mariveles
14. Isang 58 taong gulang na lalaki mula sa Mariveles
15. Isang 53 taong gulang na lalaki mula sa Mariveles
16. Isang 68 taong gulang na babae mula sa Mariveles
17. Isang 70 taong gulang na babae mula sa Mariveles
18. Isang 32 taong gulang na babae mula sa Orion

Ang iba pa sa mga kumpirmadong kaso ay ang mga sumusunod:
19. Isang 43 taong gulang na lalaking health worker mula sa Mariveles
20. Isang 34 na taong gulang na babae mula sa Mariveles
21. Isang 31 taong gulang na babae mula sa Hermosa
22. Isang 29 na taong gulang na lalaki mula sa Hermosa na may travel history
23. Isang 23 taong gulang na lalaki mula sa Lungsod ng Balanga

Sa kabuuan, umabot na po sa 876 ang bilang ng nakarecover na.
• Isang 32 taong gulang na lalaki mula sa Hermosa
• Isang 26 na taong gulang na lalaki mula sa Limay
• Isang taong gulang na lalaki mula sa Limay
• Isang 28 taong gulang na babae mula sa Limay
• Isang 42 taong gulang na lalaki mula sa Mariveles
• Isang 41 taong gulang na babae mula sa Mariveles
• Dalawang 36 na taong gulang na lalaki mula sa Mariveles
• Isang 36 na taong gulang na babae mula sa Mariveles
• Isang 50 taong gulang na lalaki mula sa Mariveles
• Isang 47 taong gulang na lalaki mula sa Mariveles
• Isang 53 taong gulang na babae mula sa Lungsod ng Balanga
• Isang 22 taong gulang na lalaki mula sa Lungsod ng Balanga

Ang kabuuang bilang ng active cases ay 884 at lahat sila ay naka isolate na; dalawampu’t anim (26) ang pumanaw na; 366 ang naghihintay ng resulta ng test; 15,781 ang nagnegatibo na at 332 ang mga bagong natest. Mula po noong ika-31 ng Enero hanggang sa kasalukuyan ay 17,993 na po ang natest sa ating Lalawigan.

Maaari po ninyong i-access ang real time monitoring ng Bataan sa pamamagitan ng link na ito:
https://datastudio.google.com/…/daa2c0d5…/page/90hMB…

Upang hindi na po dumami ang kaso ng COVID-19, patuloy po ang ating tagubilin na palaging maghugas ng kamay, manatili sa inyong mga tahanan at kung kinakailangang lumabas ng bahay ay umiwas sa mga mataong lugar, magsuot ng facemask at mag observe ng physical distancing na dalawang (2) metro.

Maraming salamat po sa inyong patuloy na pakikiisa.

#1Bataan ☝️

Leave a comment