
COVID-19 UPDATE: Sa huling ulat ng PHO kahapon, ika-12 ng Oktubre, umabot na po sa 2,552 ang bilang ng mga nagpositibo sa COVID-19 sa ating Lalawigan, labing dalawa (12) ang mga bagong nakarecover at 211 ang nagnegatibo ang resulta ng test.
Lumabas sa contact tracing na tatlo (3) sa mga confirmed cases ay close contacts ng mga nauna nang nagpositibo sa COVID-19.
1. Isang 32 taong gulang na lalaki mula sa Mariveles
2. Isang 32 taong gulang na babaeng APOR mula sa Dinalupihan
3. Isang 42 taong gulang na lalaki mula sa Morong
Ang iba pa sa mga kumpirmadong kaso ay ang mga sumusunod:
4. Isang 20 taong gulang na lalaki mula sa Orani
5. Isang 26 na taong gulang na lalaki mula sa Orani
6. Isang 29 na taong gulang na babae mula sa Abucay
7. Isang 59 na taong gulang na lalaki mula sa Lungsod ng Balanga
Sa kabuuan, umabot na po sa 2,176 ang bilang ng nakarecover na.
1. Isang 29 na taong gulang na babae mula sa Dinalupihan
2. Isang 40 taong gulang na lalaki mula sa Hermosa
3. Isang 43 taong gulang na lalaki mula sa Limay
4. Isang 48 taong gulang na lalaki mula sa Mariveles
5. Isang 27 taong gulang na babae mula sa Mariveles
6. Isang 36 na taong gulang na lalaki mula sa Mariveles
7. Isang 53 taong gulang na lalaki mula sa Mariveles
8. Isang 29 na taong gulang na lalaki mula sa Mariveles
9. Isang 50 taong gulang na babae mula sa Mariveles
10. Isang 56 na taong gulang na babae mula sa Mariveles
11. Isang 70 taong gulang na babae mula sa Mariveles
12. Isang 57 taong gulang na lalaki mula sa Mariveles
Ang kabuuang bilang ng active cases ay 329 at lahat sila ay naka isolate na; apatnapu’t pito (47) ang pumanaw na; 259 ang naghihintay ng resulta ng test; 21,386 ang nagnegatibo na at 192 ang mga bagong natest. Mula po noong ika-31 ng Enero hanggang sa kasalukuyan ay 24,197 na po ang natest sa ating Lalawigan.
Maaari po ninyong i-access ang real time monitoring ng Bataan sa pamamagitan ng link na ito:
https://datastudio.google.com/s/vsS5vdEmMoM
Upang hindi na po dumami ang kaso ng COVID-19, patuloy po ang ating tagubilin na palaging maghugas ng kamay, manatili sa inyong mga tahanan at kung kinakailangang lumabas ng bahay ay umiwas sa mga mataong lugar, magsuot ng facemask at mag observe ng physical distancing na dalawang (2) metro.
Maraming salamat po sa inyong patuloy na pakikiisa.
#1Bataan ![]()