COVID-19 UPDATE: Ikinalulugod ko pong ibalita na kahapon, ikalawang araw ng Nobyembre, wala pong naiulat na nagpositibo sa COVID-19, kung kaya’t nananatili sa 2,827 ang bilang ng mga nagpositibo sa ating Lalawigan, sampu (10) ang mga bagong nakarecover at 119 ang nagnegatibo ang resulta ng test. Ito po ay batay sa huling ulat ng PHO.
Sa kabuuan, umabot na po sa 2,606 ang bilang ng nakarecover na.
1. Isang 30 taong gulang na babae mula sa Abucay
2. Isang 26 na taong gulang na lalaki mula sa Lungsod ng Balanga
3. Isang 31 taong gulang na lalaki mula sa Dinalupihan
4. Isang 33 taong gulang na lalaki mula sa Orani
5. Isang 78 taong gulang na lalaki mula sa Orion
6. Isang 30 taong gulang na lalaki mula sa Samal
7. Isang 27 taong gulang na babae mula sa Samal
8. Isang 29 na taong gulang na babae mula sa Samal
9. Isang 31 taong gulang na lalaki mula sa Samal
10. Isang 55 taong gulang na babae mula sa Samal
Ang kabuuang bilang ng active cases ay 166 at lahat sila ay naka isolate na; limampu’t lima (55) ang pumanaw na; 281 ang naghihintay ng resulta ng test; 26,588 ang nagnegatibo na at 119 ang mga bagong natest. Mula po noong ika-31 ng Enero hanggang sa kasalukuyan ay 29,696 na po ang natest sa ating Lalawigan.
Lubha pong nakapagpapagaan ng kalooban ang patuloy na pagbaba ng bilang ng mga nagpopositibo sa COVID-19 sa ating Lalawigan. Ang ibig sabihin lamang po nito ay epektibo ang pakikiisa ng lahat sa pagsunod sa mga itinakdang patakaran at programa ng pamahalaan upang maiwasan ang hawahan sa mga pamayanan.
Gayunpaman, huwag po sana tayong maging kampante o magsawalang-bahala dahil ang banta ay nananatiling nakaumang pa rin.
Muli po, hinihikayat ko po ang lahat na pag-ibayuhin pa ang pag-iingat at pagpapakita ng malasakit sa ating kapwa sa pamamagitan ng pagsunod sa mga tagubilin na palaging maghugas ng kamay, manatili sa inyong mga tahanan at kung kinakailangang lumabas ng bahay ay umiwas sa mga mataong lugar, magsuot ng facemask at mag observe ng physical distancing na dalawang (2) metro.
Maraming salamat po sa inyong patuloy na pakikiisa.
#1Bataan