
COVID-19 UPDATE: Sa huling ulat ng PHO kahapon, ika-8 ng Nobyembre, umabot na po sa 2,899 ang bilang ng mga nagpositibo sa COVID-19 sa ating Lalawigan, siyam (9) ang mga bagong nakarecover at 196 ang nagnegatibo ang resulta ng test.
Ang mga bagong kumpirmadong kaso ay ang mga sumusunod:
1. Isang 33 taong gulang na babae mula sa Limay
2. Isang 37 taong gulang na babae mula sa Mariveles
Sa kabuuan, umabot na po sa 2,685 ang bilang ng nakarecover na.
1. Isang 32 taong gulang na babae mula sa Bagac
2. Isang 61 taong gulang na lalaki mula sa Lungsod ng Balanga
3. Isang 35 taong gulang na lalaki mula sa Lungsod ng Balanga
4. Isang 30 taong gulang na babae mula sa Lungsod ng Balanga
5. Isang 59 na taong gulang na lalaki mula sa Samal
6. Isang 31 taong gulang na babae mula sa Orion
7. Isang 7 taong gulang na babae mula sa Abucay
8. Isang 66 na taong gulang na lalaki mula sa Abucay
9. Isang 22 taong gulang na babae mula sa Abucay
Ang kabuuang bilang ng active cases ay 156 at lahat sila ay naka isolate na; limampu’t walo (58) ang pumanaw na; 297 ang naghihintay ng resulta ng test; 27,753 ang nagnegatibo na at 198 ang mga bagong natest. Mula po noong ika-31 ng Enero hanggang sa kasalukuyan ay 30,949 na po ang natest sa ating Lalawigan.
Maaari po ninyong i-access ang real time monitoring ng Bataan sa pamamagitan ng link na ito:
https://datastudio.google.com/s/vsS5vdEmMoM
Upang hindi na po dumami ang kaso ng COVID-19, patuloy po ang ating tagubilin na palaging maghugas ng kamay, manatili sa inyong mga tahanan at kung kinakailangang lumabas ng bahay ay umiwas sa mga mataong lugar, magsuot ng facemask at mag observe ng physical distancing na dalawang (2) metro.
Maraming salamat po sa inyong patuloy na pakikiisa.
#1Bataan