“Ang Vaccination Program na ito is a race against time” – Gob. Abet

Sa kanyang mensahe noong Lunes sa mass vaccination program, sinabi ni Gob. Abet Garcia na, “itong ating vaccination program is a race against time, it is a race against COVID” para sa ating kaligtasan.

Nabanggit din ng butihing gobernador na dumarami ang cases ng COVID sa Manila, at maaari itong kumalat sa mga karatig na probinsya kasama na ang ating lalawigan.
Ipinaliwanag din ni Gob. Abet na hindi kaila sa atin na napakarami nang variants ang nasabing virus tulad ng Brazil, South African, UK na napakabilis magmutate at madaling makahawa, at ang tanging paraan lamang na mahinto ang paglaganap nito ay sa pamamagitan ng pagbabakuna.

Ayon pa kay Gob. Abet, ang Bataan People’s Center na ginawang vaccination facility ng Pamahalaang Lalawigan, ay paraan para mauna tayo sa pagbabakuna; mayroon na tayong cold chain dito para anuman ang dumating na bakuna mula sa pamahalaang nasyonal gayundin yong bibilhin natin na maaaring dumating bandang 3rd or 4th quarter ng taong ito, ay mailalagay nang maayos sa cold chain upang hindi ito mag expire o masira at magagamit nang maayos sa roll-out ng bakuna.

Matapos ang pagbabakuna sa Bataan People’s Center ay pwede na umanong magbakuna sa ibang malalaking lugar nang sa ganon ay lumawak pa ang pagbabakuna sa ibang bayan. Para sa general roll out, magagawa na ito sa mga RHU maging sa mga barangay.

Leave a comment