Isolation and vaccination facility, itatayo sa Pilar

Inaprobahan na ng Pamahalaang Panlalawigan sa liderato ni Governor Albert Garcia ang hiling ni Mayor Charlie Pizarro na itayo ang COVID Isolation and Vaccination Facility sa loob ng itatayong ecozone sa Pilar.

Sinabi Mayor Pizarro, na hindi lamang palengke, at factory buildings ang ilalagay sa loob ng ecozone kundi maging mga tourist attractions at sinehan. May nabili umano si Mr. Gerry Acuzar, may ari ng Las Casas Filipinas de Acuzar sa bayan ng Bagac, ng 5 lumang sinehan mga panahon ng 60s hanggang 80s sa Maynila at gustong ilagay sa loob ng ecozone na ihahalintulad sa Las Casas ang disenyo.

Leave a comment