Ayon sa Pangulo, ang mga bansang nagpalitan ng putok ng baril noong panahon ng digmaan ay siya na ngayong nagtutulungan para sa kapayapaan at kaunlaran. “
Iniwan na natin ang pagiging “ Sick Man of Asia” kaya ngayon ay kilala na tayo bilang isang “bright spot” sa pandaigdigang ekonomiya”, at ngayong araw na ito ng Araw ng Kagitingan, samahan ninyo ako na ihayag na ang Pilipino ay tumatayo para sa tama”.diin pa ni Aquino.
Ayon naman kay Japanese Ambasador Urabe, tuluy-tuloy pa rin ang pakikipagtulungan ng kanyang bansa para sa pagpapanatili hindi lamang ng kapayapaan kung hindi para na rin sa pagpapaunlad hindi lamang sa Rehiyon ng Mindanao kundi sa buong bansa.