Mahigit 3,000 katao nakapanood nang libre

   Mainit man ang panahon inihanda na ng ating mga opisyal ng lalawigan ang libreng bottled water at naglagay din ng 11 bentilador sa loob ng People’s Center  para sa ating mga kababayan na nag-aabang na mainit enkwentro ng dalawang boksingero.

   Sa pagsisimula kitang kita sa ating mga kababayan ang tuwa at saya sa tuwing tumatama ang suntok ni Pacquiao laban kay Bradley. Hanggang sa umabot ang round 12 ay naghuhumiyaw pa rin ang ating mga kalalawigan lalo na nang magdesisyon ang mga judges na panalo na ito.

   Unang napansin ng ating mga kababayan ang paglalagay ng kanang kamay ni Aling Dionisia sa ulo ni Pacquiao habang ipinagdarasal na manalo ang kanyang anak, maging iyung pagturo ng middle finger  nito kay Bradley noong kainitang bakbakan sa pagitan ng round 6 at seven.

   Ang paglalagay ng malaking screen sa loob ng Peoples’ Center sa bawa’t laban ng ating boksingerong si Pacquiao ay sinimulan ng ating dating Governor Tet Garcia katuwang sina dating Congressman Albert at Balanga City Mayor Joet.

   Matatandaan noong 2012 nagkaroon kontrobersiya ang pagkapanalo ni Bradley dahil kitang kita naman ng madla na maraming tumama sa suntok ni Manny laban sa kanyang katunggali.

   Dahil dito pinasalamatan ng ating mga kababayan ang magandang ginawa  ng mag-aama, dahil sa mata nila, sila ang champion sa tuwing mananalo ang pambansang kamao.

   Kaugnay nito  ipinaaabot nina Bataan Governor Abet Garcia, Congressman Tet Garcia at City Mayor Joet Garcia ang kanilang pagbati sa pagkapanalo ni Congressman Pacquiao laban kay Bradley at sa pagbawi ng WBO belt via unanimous decision.