Kabilang sa mga dumating upang batiin ang dating gobernador ng Bataan ay sina 1st District Congresswoman Herminia Roman, Vice Governor Bondjong Pascual, mga Sangguniang Panlalawigan Members, mga Mayors kasama ang kanilang mga Sangguniang Bayan Members, mga punong barangay, kagawad at mga lider mula sa buong lalawigan.
“I am very blessed at umabot ako sa edad kong ito, malaki ang pasasalamat ko kay Lord, bonus na naman ito para sa akin” masayang ipinahayag ng Mambabatas.
Kasama umano sa mga plano ni Cong. Tet na patuloy pang itaas ang antas ng pamumuhay ng kanyang mga kababayan lalo na ang mga mahihirap na mga kabataang mag-aaral.
Sinabi rin ni Cong. Tet na kailangang 100% ng mga batang mag-aaral sa high school ay makapagtapos hanggang kolehiyo. Hindi umano hadlang ang matrikula dahil patuloy pa rin ang pagbibigay ng scholarship sa mga mag-aaral.
“Pagdating sa kolehiyo, walang problema sa matrikula sagot natin, ang kabutihan dito mayroon tayong State University na mababa ang tuition. Sa ibinibigay ng Lungsod ngayon na 10 libong piso, yung kaunting sobra ay maaari naman nilang gamitin na pamasahe” dagdag pa ng Kongresista
Masaya ring ipinahayag ng Mambabatas na kung matutupad ang kabuuang programa hinggil sa pagpapabuti sa edukasyon baka malagay umano tayo sa “Ripley’s Believe It or Not” kung saan lahat ng kabataan na nakatuntong ng kolehiyo ay nakapagtapos…. only in the Philippines ….only in Bataan.