Inagurasyon ng Special Interaction building ng TRC sa Pilar

Inagurasyon ng Special Interaction building ng TRC sa Pilar

Ginanap ang inagurasyon ng Social Interaction building para sa mga In-house at Out-patients  sa bakuran ng Dept. of Health- Treatment Rehabilitation Center ( TRC) sa bayan ng Pilar nitong ika-14 ng Oktubre.

Pinangunahan ito ni TRC Chief of Hospital lll, Dr. Elizabeth P. Serrano, kasama sina Board Member Jorge Estanislao bilang kinatawan ni Gov. Joet Garcia, USEC  Mary Anne Palermo UHC HSC Tech. Office at  Sec  Oscar F. Valenzuela, Chairman ng Dangerous Drugs Board, habang ang pagbabasbas ay pinangunahan ni Pastor Christopher Pizarro ng CCF- Bataan.

Layunin ng nasabing bagong pasilidad, na magkaroon ng magandang ugnayan  sa pagitan ng mga pasyente at kanilang mga pamilya, na magkaroon ng makabuluhan at masayang gawain na lubos na makatutulong sa paggaling  ng mga pasyente, at maging matatag ang kanilang emosyonal na kalagayan para sa muling pagbabalik sa kani-kanilang pamilya at komunidad.

Leave a comment