Sa kanyang State of the Province Address (SOPA) nitong nakaraang Sabado, sinabi ni Gov. Joet ang mga hamon na kailangang tutukan upang madama ng ating mga kababayan ang patuloy na pag asenso ng lalawigan. Pinakamalapit sa kanyang puso ay ang programang pangkalusugan, na naging prayoridad niya, lalo na ang mga sakit na pwede naman sanang maiwasan tulad ng dengue, animal bites at mga sakit na dulot ng paninigarilyo na maaring magdulot ng komplikasyon at humantong sa kamatayan.
Nais ni Gov. Joet na paigtingin pa ang programa ang Tobacco-Free Generation campaign lalo na sa mga paaralan. Nais din niya na sa TFG Culminating Activity sa taong 2026, ay ma-break ang record ng Balanga City noong 2016, kung saan umabot sa 16 na libong katao ang lumahok sa dance fitness class. Hamon niya sa lahat na magset nang bagong World Record at paabutin sa 26 na libo ang sasali dito para makuha ang bagong Guiness World Record na Largest Dance Fitness Class sa buong mundo.