Mariveles, tumanggap ng parangal mula sa DEPED Region lll

Mariveles, tumanggap ng parangal mula sa DEPED Region lll

Kasama si Bataan Schools Division Supt. Dr. Carolina S. Violeta, masayang tinanggap ni Mayor AJ Concepcion ang Plake ng Pagkilala na ipinagkaloob ng DePed Region lll sa pagiging katuwang sa pagsusulong ng dekalidad na edukasyon sa mga mag-aaral ng Mariveles.

Sa pangunguna ni Mayor AJ Concepcion patuloy ang Local School Board at Pamahalaang Bayan ng Mariveles sa pagpapatupad ng mga programa tulad ng Pagsasanay ng SDO para sa Alpabasa sa mga pre-elementary, pagtatatag ng 1Bataan Village Elem School, pagkuha ng Sports Trainor at iba pang mga proyekto gaya ng pagpapaunlad ng mga pasilidad sa mga paaralan. Matatandaang isa ang Mariveles National High School sa binigyan ng parangal bilang isa sa 10 pinakamahuhusay na mataas na paaralan sa buong bansa.

Leave a comment